Sa loob ng isang umaandar na kotse. Si B ang nagmamaneho habang si A ay hindi mapakali at hindi mai-alis ang tingin sa isang paperbag sa tabi ni B.
A: Ihinto mo ang kotse.
B: Ha? Nasa gitna tayo ng hi-way. Ok ka lang?
A: Ihinto mo ang kotse, bababa na ako.
B: Nasa gitna nga tayo ng hi-way, huhulihin tayo ng pulis.
A: I said, stop this freakin’ car!
B: Anak ng tupang kinalbo! We cannot freakin’ stop this freakin’ car in this freakin’ hi-way because of the freakin’ enforcers! Now shut up!
Bumilis ang pagmamaneho ni B.
A: Gusto ko nang bumaba.
B: Bakit ba? Babe, Ano bang problema?
Hindi sasagot si A.
B: Ano?
A: Just step on the breaks.
B: Babe, what’s the matter?
A: Nasisikipan ako sa kotse mo!
B: Adik ka ba? (Tatawa.) Dalawa lang tayo dito, panong sisikip?
A: Dalawa lang ba talaga?
B: Shit babe! I think you need to see a psychiatrist!
A: I’m not losing my wit! I’m not a freakin’ psycho! Why would I need to see a psychiatrist?
B: Eh bakit ka nasisikipan?
A: Stop the car! I just wanna get off this car!
B: Tell me what’s the matter babe.
A: (Titingin sa paperbag.) Hindi ko na kayang tumagal dito sa kotse mo. Hindi ko na kayang sakyan ang byahe mo. Hindi ako makagalaw ng maayos. Nasisikipan talaga ako. Ikaw hindi ka ba nasisikipan?
B: Anong ibig mong sabihin?
A: (Picks up the paperbag. Nilabas isa-isa ang laman.) Bag niya. Damit niya. Relo niya. Picture niya. (Started to cry.) Ang air freshener mo galing sa kaniya. Ang mga palawit mo may pangalan pa din niya! Siya lang nasa isip mo! Puro siya ang laman ng kotseng to! Puro siya! Ang sikip-sikip.
B: Babe calm down! Malapit na tayo sa bahay niyo.
A: Ihinto mo ang kotse! Gusto ko nang bumaba sa kotse mo! Gusto ko nang bumaba sa relasyong minamaneho mo! Hindi ko gusto ang destinasyon ng byahe mo. Hindi ko gusto ang destinasyon ng relasyon na ‘to.
B: But babe…
A: And stop calling me babe! Hindi yan ang tawag mo sa’kin! At isa pa, hindi ito ang daan papunta sa bahay. Subdivision ‘to ng ex mo! Ibaba mo na ako. I’ll just take a cab!
Posted by:
![]()
kamote_shake
Categories:
Relationships
