Miss ko na si mama.
Wala nang nagtetext sa akin ng
“Magtext ka naman anak. “
Wala nang nag-aalala sa akin
‘pag may sipon at ubo ako.
Wala nang yumayakap sa akin
Pag-uwi ko galling LB.
Wala nang nag-uuwi sa akin
Ng mga paborito kong ulam
Wala na ‘kong kasama maglaba.
Wala na ‘kong kasama mamalengke.
Wala na ‘kong kasama
Bumili ng mga damit.
Wala na akong mama.
© Saminella. http://saminella.blogspot.com
