Sukatin ang lalim ko…
I.
Humarap ka sa kasalukuyang
humahabol sa’yo.
Pakinggan mo ang bawat katagang
sumabog sa nakaawang mong puso.
Tapatan mo ang pagdurusang
lumamon sa kaibuturan mo.
Bakit mas ginusto mong tahakin
ang daang papuntang impiyerno?!
II.
Hindi alintana sa iba ang pagdurusa mo,
sapagkat ang bigat ng dala-dala nila’y
kabiyak noong sa’yo.
Hindi lang ikaw ang niluto sa pulang palayok
na pinabayaang masunog.
Hindi lang ikaw ang anak ng Diyos!
III.
Mali ka kung inaakala mong
itim ang budhi nila.
Mali pagkat pati ikaw ay kasama,
hindi lang SILA!
Huwag kang magmalinis sa putik
na nakapulupot sa hubad mong katawan.
Dahil iyan ang magsisilbing mantsa
sa iyong pangalan!
Posted by:
Veloni08
Categories:
Current Affairs
Academics
The eLBi Life
Politics
Religion
People
Philosophy
Culture
