27th Jul, 2008

Pintado

Primer. Habang pinapahiran ng puti ang canvass, puti ang sumaklob sa isipan. Naging blanko ang utak. Inihanda sa pagbuhay ng mga alaala.

Outline. Guhitan ng itim na mga linya para makabuo ng iba’t ibang imahe. Nabuong muli ang mga imahe ng dinaanang panahon. Itim at puti. Lungkot.

Color. Punuin ang mga espasyo ng iba’t ibang kulay - pula, asul, dilaw. Paghaluhaluin. Bigyang buhay. Pero nanatiling itim at puti ang isipan. Di na pwedeng buhayin ang nakaraan. Hanggang alaala na lamang.

Mananatiling outline sa puting canvass ang nakaraan, dati’y puno ng kulay ngunit ngayon ay kupas na. Isang larawang mananatiling pinagmamasdan, hindi na nararamdaman.

Kailan kaya ulit magkakakulay?

Leave a comment

Click here to quote any selected text from this page

Your comment: