Dumagundong ang sabay-sabay na bagsak ng mga paa.
Malayo pa lang ay may mga yabag na ng sigwa.
Binulabog ng libo-libong boses ang kalunsuran.
Inanod ng mga sigaw ang katahimikan.
Nangibabaw ang ahitasyon.
Naghari ang galit.
Nabalot ng pula ang kapaligiran.
Sa mga susunod na bukang liwayway,
mas lalakas ang daluyong ng mga sigaw,
gigibain ng mas mabibigat na yabag ang kaharian
ng mga naghahari-harian,
hanggang […]
Posted by:
![]()
kamote_shake
No Comments
